Regional Athletic Meet, National Capital Region 2024 (April 21-26,2024)
Mabuhay ang Atletang Pinoy ng Pambansang Punong Rehiyon, Tunay na Matatag at kampeon!
Atleta ng Pambansang Punong Rehiyon: Sagisag ng Matatag at Kampeong Pinoy
Makulay, masigla, at mainit na sinalubong ang mga atleta, tagapagsanay, at mga pangunahing panauhin sa idinaos na pagbubukas ng Panrehiyong Palaro sa pamumuno ni Direktor Jocelyn DR. Andaya ngayong ika-21 ng Abril 2024.
Hindi rin nagpahuli ang mga tagapamuno ng rehiyon sa pagpapasinaya ng kanilang talento sa paghataw ng Galaw Pilipinas na tunay na kinaaliwan ng lahat ng mga manonood.
Sa pangunguna ng mga Schools Division Superintendent kasama ang mga opisyal ng labing-anim na dibisyon ng NCR, nasaksihan sa parada ang matatamis na ngiti at masisiglang wagayway ng mga atleta na sumisimbilo sa maalab na pananabik upang muling magpakitang-gilas ng kanilang mga talento at lakas hindi lamang para sa rehiyon kundi sa buong bansa.
Nagbigay naman ng inspirasyon at motibasyon sa mga atleta ang mga dumalong pangunahing panauhin na sina Usec. Revsee Escobeda ng DepEd Central Office at Mayor Dale “Along” Malapitan. Hinamon ng mga panauhin sa kanilang mga talumpati ang mga manlalaro na higit pang paghusayin ang kanilang talento at kakayahan.
Gamit ang makabagong teknolohiya, higit pang pinainit ng mga kabataang naghandog ng iba’t ibang sayaw sa saliw ng makabago at tradisyonal na tugtugin sa pamumuno ng tagapamahala ng pagbubukas ng palaro na SDO Caloocan
Sa pagtatapos ng programa, maiksi ngunit makahulugan ang iniwang mensahe ni Direktor Andaya para sa mga atleta…
“Go where no man has gone before!” -Star Trek
“Live long and prosper!” –Star Wars
“May the odds be ever in your favor!” –Hunger Games